Hoy, Pong!

Lambakin, Nobyembre 1999—Mabubulabog ang ordinaryong buhay ng mga college student na sina Dante at Raya nang bigla silang magkaroon ng abilidad na masagap ang iniisip ng mga tao at makakita ng mga kagluyag—mga hugis-taong nilalang na may napakasamang balak na guluhin ang End of the World party na mangyayari sa bayan nila.

  • May-akda: Macky Cruz
  • Cover and inside art: Rombutan
  • Unang imprenta: Nobyembre 2023, 19th Avenida Publishing House
  • Genre: Young adult (18 pataas), urban fantasy

Kamakailan, nanomina ang Hoy, Pong! sa kategoryang Best Novel in Filipino sa 42nd National Book Awards ng National Book Development Board–Philippines at Manila Critics Circle.


Mabibili na ang Hoy, Pong! sa mga sumusunod na online store.

Mabibili rin ito sa mga major bookstore branches ng Fully Booked.


Ang tanging layunin natin bilang tao ay ang maging ganap.

Ka Munding, sa Hoy, Pong!

Narito ang ilang sample pages ng Hoy, Pong! para magkaroon ka ng clue kung magiging trip mo ang kuwentong ito!


Narito naman ang ilang sighting ng Hoy, Pong! in the wild. Salamat kina Iledz, Eric, Mayee, at Jetters para sa mga ito.


Sakaling nabasa n’yo na ang “Hoy, Pong!” maaari kayong mag-post ng rebyu sa Goodreads (joke time yung link to Amazon) o kaya i-tag ako sa Facebook, Instagram (mackydidit), Twitter (though madalang na’ko bumisita, schmurky), at Bluesky (mackycruz).

Maaari ka ring mag-email sa’kin sa pong@mackycruz.com.