Kanina lang habang kausap ko ang taong nagpapakain sa’kin (i.e. my boss), sumingit ang nanay ko para magpasalamat sa bigay n’yang Tokyo banana creme pie. Hindi ito ang unang pagkakataong nag-intrude ang real life domesticities sa pa-serious telecons na kailangan mong iraos kung naka-WFH ka. Minsan na’kong nabisto ng mga tumatahol na aso, tumitilaok na manok, mabagal na pag-chime ng grandfather clock nang labindalawang beses (at hindi ko ma-mute kasi ako ang nagsasalita), o ng mga kamag-anak na ayaw magpapigil magsalita.
Kaya naman sobrang relate ako dito to a degree sa one of the best things I’ve seen last week: that really serious interview on BBC where political analyst Prof. Robert Kelly just happened to also be a dad with a couple of really young kids. Panoorin mo dito kung hindi mo alam ano’ng pinagsasasabi ko:
At ang kasunod na interview kung saan hindi mo pa rin talaga mapapatahimik ang mga bata:
Hindi n’ya inamin na naka-shorts s’ya. We’ll never know the truth. That said, seryoso po ang pinag-uusapan nila, kaya alamin na rin natin para up to date ka. Basahin mo ang South Korea’s presidential scandal report ng BBC. May woowoo involved, pero for whatever it’s worth, wala ako sa lugar para magmataas, I mean, look at us, man.
Discover more from MACKY CRUZ
Subscribe to get the latest posts sent to your email.