(Ang featured image ay galing sa pagbating post ng Avenida Books.)
Ayus!
Napasali ang nobela kong “Hoy, Pong!” bilang finalist sa kategoryang Best Novel in Filipino ng 42nd National Book Awards ng National Book Development Board–Philippines at Manila Critics Circle. Nasa 326 na libro ang na-nominate (sabi ng GMA news online), at kung tama ang bilang ko, nasa 120+ ang finalists across 4 languages at 31 categories.
Nakakalokang (nakalolokang) mapahanay sa mga ibang manunulat na iniidolo ko.
Ang full roster ng finalists ay nasa OFFICIAL LIST: The Finalist of the 42nd National Book Awards.(sana pun ‘yung the finaLIST hihihi)
Andito si Pong.
Nasa Manila International Book Fair 2024 ang Hoy, Pong! Hanapin lamang ang 19th Avenida Booth No. 2-140, 2nd Floor, SMX Convention Center.
Kung hindi ka naman makarating, may sale din online sa Shopee! P350 na lang ang Hoy, Pong! ngayong MIBF 2024!
Leave a Reply