Tiga-Marikina, Pilipino, middle-middle-class. Pagod na sa trapik. Ruma-writer madalas.
Nasa makitid pero challenging na mundo ng cybersecurity. Minsan nang lumabas sa TV para ipaliwanag sa’yo kung bakit hindi ka dapat nagpipipindot ng kung anu-ano sa browser mo. (Hindi ako cute sa mga ito pero para mawalan ka ng duda kung totoo ang pinagsasasabi ko, ito ang ilang mga halimbawa [1], [2], [3]. Ang pinakapaborito ko ay ‘yung mga voice guesting ko [maliban na lang nang inakusahan ang industriya ko ni Teddy Boy Locsin na gumagawa raw kami ng virus para kumita] pero hindi ko alam saan hahanapin ang mga audio nito.)
Um-attend ako ng Clarion Science Fiction and Fantasy Writing Workshop sa University of California sa San Diego sa US nung June hanggang August 2017. Sa fiction, dito umiikot ang mga interes ko.
Nagsulat din ako dati para sa Nood.ph, isang malupit at kakaibang Pinoy movie review site. (Minsan na rin akong lumabas sa Ang Pinaka bilang panelist.)
Kung gusto mo akong kausapin sa tunay na buhay para kasangkapangin ang malupit kong writing skills sa Inggles (dati akong nagba-blog para sa Trend Micro) at Tagalog o para lang iparating ang mga gusto mong sabihin, mag-email ka sa’kin o mag-comment somewhere. Hindi ako nangangagat nang hindi pino-provoke.
Kung gusto mong magsimula kung kailan ko talaga sinimulan ang blog na ito, basahin ang #TBT. Everything else before that ay inilagak ko lang after the fact dahil parang masaya dito ilagay ang mga bagay kasi binayaran ko rin lang naman ang hosting nito. ‘Di biro ang magpa-cute sa Internet.
Also, dahil kailangan malaman ng Goodreads na akin ‘tong website at na ako ang may-akda ng Hoy, Pong!, ito ang email address ko: pong@mackycruz.com.