Fine, Magba-blog na Talaga

E wala, busy ako e noong mga nakaraang buwan. Mostly dahil nagsusulat at nagtatrabaho at nagre-Reddit. Sabi ko sa sarili ko sa simula ng 2017 magbablog na ako. Totoo naman, nagbablog naman ako, hindi ko nga lang ma-publish publish. Pero kumbaga sa pangangating tanggalin ang plastic sticker sa screen ng bagong biling phone, wala mang mabuting kahihinatnan ang gagawin mo, masaya ka naman. Kaya ito, nagsulat na rin ako.

Medyo na-culture shock ako sa pag-alis ko sa dati kong pinagtatrabahuhan. Dahil sa mga personal na rason, kinailangan kong makahanap ng arrangement para mas madalas akong nasa bahay kaysa nasa opisina. Kung sa tingin mo ay masaya ito, subukan mo muna. Masaya lang ito kung kaya mong disiplinahin ang utak mo. Kung dati ay inis na inis ako sa konsepto ng 9 to 6, ngayon naman ay kailangan kong mag-imbento ng sarili kong time table para hindi maubos ang oras ko sa Facebook pero dapat masaya pa rin ako enough para magpatuloy sa mundo. (Ang susi: allocate time for leisure.)

Ang tunay kong pinagkaabalahan ay ang pagtatapos ng nobelang sinimulan ko pa noong siguro 2009 or so. Kung sa isip mo ay masyadong mahaba ang 7 years para sa isang nobela, baka maiyak ka kung ilang taon kong binuno ‘yung unang-una kong nobela na pinakawalan ko na sa hangin.

(Okay fine, mahigit sampung taon.)

Pero kung iisipin mo hindi naman big deal ang sampung taon, kasi sa pagitan nito nagtrabaho naman ako nang malupit sa real world. Nagtravel, lumabas, nagkaroon ng inaanak, nagpa-laser, et cetera. So ang totoong tanong ay ito nga ba ang best use of my ‘spare’ time? Or at least ng oras na hindi ko ginugugol sa mga bagay na bahagi ng mga responsibilidad ko sa mundo?

Nasagot ko na ‘yan sa sarili ko, pero ngayon ang susunod na balakid ko was, ano ba talaga ang boses ko sa pagsusulat? Ito na ba ‘yon? E na-English din ako kung paminsan. So sometimes I have a hard time figuring out the best way to say something kaya minsan parang naiisip ko na e ‘wag na lang.

Kaso mahilig talaga ako magsulat. So hindi ko na lang pinakinggan ang mga tao at ang mga opinyon kung saan-saan, at nagsimula kong tapusin ang “Hoy, Pong.”* Ayun, true enough, ‘pag hindi ka distracted by what everyone else is saying or telling you to do, may nararating ka. For me, the fact na natapos ko man lang ito ay isa nang malaking YEHEY. Syempre mas yehey kung ma-publish, pero realistic na ako ngayon, alam kong malayo pa ang lalakbayin.

So ‘yun naman ang lagay right now. Mas mapapadalas ang pagsusulat ko ng mga maiikling kwento at ng mga nobela in the next few years. Pangako ko ‘yan sa sarili ko at sa’yo. Also, magba-blog na ako.

Sa mga naging beta reader ko ng nobelang “Hoy, Pong!,” at sa mga nagbigay ng mahalagang feedback, maraming salamat, niprint ko lahat ng sinabi n’yo para seryoso ang dating. Ang masasabi ko with confidence ay the moment matapos ko itong dalawang maikling kwento na chinechever ko, magsisimula na akong mag-revise.

Kung walang ibang eechos na pangyayari, ang target ko sana ay end of March ay ready for pitching na si Pong. Kung gusto n’yong malaman kung paano magstart out ang mga manunulat dito sa Pilipinas, lalo na ang mga late bloomer, busy-kunwari-sa-life-pero-maaaring-tamad-lang-talaga tulad ko, watch this space. Wala akong pangakong mapapublish ako ng traditional publisher, pero aaminin kong pangarap ko talaga ito. Pero kung ano man ang kalabasan ng paglalakbay na ito, pusta ko’y magiging mas masaya kung samahan mo ako.

 

* Ang “Hoy, Pong” ay tungkol kay Dante, isang college student noong 90’s, at kung ano ang nangyari nung gabing aamin na sana s’ya ng wagas na pag-ibig kay Raya. Tungkol din ito sa mga nilalang na lumalakas tuwing wala ang utak ng tao sa kasalukyan, at kung paano madadamay si Dante sa masasamang balak ng mga nilalang na ito. For now, sarado na po ang beta reading period ko, para makapagfocus naman ako sa pag-revise, ‘di ba. Balitaan ko kayo sa mga susunod na kabanata.


Discover more from MACKY CRUZ

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.