Nagka-Covid ako noong June hanggang early July. Teorya ko ay nakuha ko ito noong nag-CR ako bago manood ng Furiosa isang Sabado. Pagdating ng Lunes ng gabi, tila may naramdaman akong pangangati ng lalamunan. Pero dahil nasa periphery na ito ng nalalapit na mens, as usual, hindi ko masyado ito pinansin, hanggang sa paggising ko ng Tuesday, parang hindi ko kinayang bumangon. Mild relatively ang symptoms bilang kumpleto naman ang bakuna ko pati booster, pero pinatumba pa rin ako nito. Siguro worse pa rin ‘yong bulutong episode noong 2019, pero close second ito if only dahil sa lasting effect nung pagkawala ng amoy. Hindi ko na alam kung bumalik na talaga ‘yong pang-amoy ko, pero feeling ko oo naman.
Anyway, set up lang ‘yon to say na dahil doon, hindi ako nakapagplano nang maayos para sa dapat ay Scotland and UK tour before and after ng Worldcon. Ni-cramming ko ang pagbili ng ticket sa Worldcon, sa eroplano, at pag-book ng hotel late in July dahil wala talaga ako sa huwisyo at may pinagdadaanang kung ano.
Nairaos ko naman. I met with Clarion buddies, ate Jollibee for three nights, attended talks/panels tungkol sa video game writing, cozy gaming (para lang makakuha ng mga bagong lalaruin), digital marketing for books (hindi ko ata matatakasan ang Tiktok), latest pictures of galaxies presented by a NASA engineer, dark academia (na hindi ko tinapos dahil na-realize kong lumipas na ang dark academia phase ko noong may sinulat akong novelette tungkol sa isang “ancient evil” sa ilalim ng isang paaralan noong high school pa ako), world-building in a language not your own, governments in SFF (which they did not expect to fill up), short fiction with teeth, fictional folklore (which was not what I thought it would be, dahil technically fictional folklore ang mga kagluyag sa Hoy, Pong!, pero ang diniscuss ay how to use existing folklore in your fiction, kre), voice actress ni Karlach, Nnedi Okorafor, revolutions in speculative fiction, systems as villains in SFF, and surviving late-stage capitalism as a creative (na medyo hindi ako naka-relate kasi isa lang ang galing global south sa panel at tila hindi pa minority, baka dahil hindi daw ako magsu-survive haha). At marami pang iba.
Sobrang daming ganap sa WorldCon, madaming merch, libreng content, food trucks, at sa sobrang laki ng scope tila tatlong magkakatabing venue ang ginamit bilang rooms for panels. May mga party sila sa gabi pero wala akong masyadong kakilala at hindi na ma-party at this age kaya nagrerelax lang ako usually sa hotel at kumakain ng Jollibee.
Nakapag-museum din ako kahit papaano kahit sa same street lang ako naglagi (sa Argyle). Pero saka na siguro ang in-depth treatment bilang ang dami kong opinyon pagdating sa konsepto ng museo.
Super bitin pero ang dami kong realization tungkol sa buhay manunulat, the most important of which is tila mas luminaw ang target audience ko sa mga susunod kong isusulat, and it’s probably not what you think.
Bago pumuntang airport dumaan ako ng city. Maayos ang lipad nung eroplano pabalik sa Dublin, ‘di tulad noong papunta. Small plane kasi at may bonus turbulence papuntang Glasgow, medyo natakot ako.
Leave a Reply