Hoy, Pong! is out in the world

Makikilala niyo na sina Dante, Raya, Keebs, at Pong! So excited for you. Matagal kong tinrabaho ang “side project” na ‘to at inilaban ang mga minutong makapagsulat kahit madaming distractions sa buhay.

Ang nobela ko ay nasa young adult category at maituturing na urban fantasy. Tungkol ito sa dalawang college student noong taong 1999, na matapos umahon mula sa ilog para sagipin ang isang batang ayaw magpasagip, ay bigla na lamang nagkaroon ng abilidad na marinig ang laman at takbo ng utak ng mga tao sa paligid nila.

Told in two points of view (ni Dante, na wala masyadong ambisyon sa buhay, at ni Raya, na laging galit) and short intros by Pong (ang batang ayaw magpasagip), ang nobela ay isang account ng pakikipagsapalaran nila sa mga kagluyag, mga hugis-taong nilalang na may napakasamang balak sa bayan nila pagdating ng End of the World party (dahil ang prevailing mood noong 1999 ay magugunaw ang mundo pagpatak ng taong 2000).

Kung trip mong bumalik o magpatuloy sa pagbabasa ng Tagalog, ito na ang librong hinahanap mo. Sinubukan kong maging super conversational ang pagta-Tagalog ko para maging gateway drug ninyo sa iba pang manunulat sa Tagalog. Pwede ring ipang-regalo sa mga kakilala mong mapagbasa. Pwede ring i-donate sa library sa may inyo (paki-picture-an when you do)!

May inside illustrations nga pala ang Hoy, Pong! Maganda feedback na nakukuha ko sa cover, maganda ang register ng pagka-print dito. Magaganda din ang mga drowing sa loob! Sana ay magets nyo agad ang mga detalyeng isinama namin sa mga chapter heading.

Available na ang “Hoy, Pong!” sa Shopee (may reviews tungkol sa delivery hahaha pero wala pa tungkol sa kwento) at Avenida Books (pero naka-sold out pa rin so far so intay-intay lang). Paki-click lang ang mga link nang mapunta doon. Sa mga kaibigang nasa malayo, hindi ko pa nasusubukang umorder pero pwede kayo mag-email sa kanila (see FAQ) to ask about it.

Magsasara muna ang tindahan ng December 21 (pwede pa rin umorder syempre, pero next year na sila ipo-process and ide-deliver) pero sana, para sa mga nakabili na, basahin n’yo at balitaan ako how you found the story. Super excited na ako na mabasa ninyo!

Also, kung hindi pa kayo naka-subscribe sa blog ko, please do! Maaring magbahagi ako ng tungkol sa libro, current and future writing projects, at life in Dublin (bilang Pinoy transplant). Tsaka games! At anime!

For funsies, ito ang itsura nung proofs noong ni-rerebyu ko ang pagkaka-layout dito.

Since nung huling update ko na magkaka-inside art ang Hoy, Pong! ito ang iba pang mga nangyari:

  • Naging 42 ako! The meaning of life and everything sabi ni Douglas Adams.
  • Mabilis kong napuno ang dalawang Billy ng mga librong hindi pa nababasa.
  • Nagsimula akong magbasa (slush reader) para sa Escape Pod, the original science fiction podcast. Ang saya magbasa ng mga short story at kiligin sa posibilidad na ikaw ang makadiskubre sa susunod na greats.
  • Tuluyang nabwisit sa Twitter (kaya X na siya sa’kin heh) kaya lumipat sa BlueSky.
  • Napanood ang One Piece live action at natapos hanggang Thriller Bark arc ng anime sa loob ng mga 3 buwan.
  • Hindi ko maipinta ang ganda ng summer sa Dublin pero natatakot na’ko for winter.
  • Kumain nang kumain sa Maneki (Japanese), Mima (comfort breakfast), at Arisu (Korean).
  • Dublin city center riots: natulog ako sa couch nung gabi nung nangyari (dahil doon kami mismo sa area na iyon naglalalakad kapag weekend) pero naging reassuring ang mga tao na one-off lang talaga iyon at mga right-winger na nabigyan ng dahilang manggulo.
  • Masaya ang work, madaming bagong natututunan! Na-launch ang mga product at feature na nai-document ko.
  • Nalagpasan ang Tremors (80s horror desert creature) escape sequence sa Ori and the Will of the Wisps after mag-give up sa keyboard+mouse combo.
  • Natapos ang buong campaign sa Diablo IV as a Druid named Kap at nagkaroon nang kabayo sa wakas.
  • Narating si Sly sa Hollow Knight (fourth pantheon ata ito).
  • Natapos ang Planet of Lana–super cute.
  • Nakahiligang magsabi ng “Godspeed” dahil parang S-tier ability name ito na gusto kong i-bestow sa sinasabihan ko nito.
  • Nag-rewatch randomly ng Brooklyn Nine-Nine netong weekend hanggang Monday. Sabay ayun, wala na si Captain Holt.
  • Tumakbo sa isang charity run: 5k in the cold! At tumatakbo pa rin!

P.S. Ang feature image ay kinuha ko sa Instagram ni Paul, ang kauna-unahang kakilala ko na nakabili ng Hoy, Pong at nag-post tungkol dito. Hindi ko pa nakikita IRL ang libro pero makakarinig kayo sa’kin once I do!


Discover more from MACKY CRUZ

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.