Mabalik tayo

What a way to lose the plot. I had all these plans to do a bit of marketing on the book, which by the way, has been getting some love for the cover (please very much judge my book by the cover art), thanks to Rombutan for saying yes and delivering.

Since last I updated, tinamaan ako ng matinding winter blues sa Dublin. Buong akala ko ay dahil may imbak ako ng tropical sunshine ay hindi magiging problema ang kawalan nito during what–two to three months? Obviously it doesn’t work that way. If anything, the fact na I took sunlight for granted made me all the more vulnerable kapag halos hindi ko na alam kung anong oras na dahil laging gray.

Ang nakakatawa, I went through all these preparatory things before the winter months to make sure I was fine with the cold. Cold showers, early morning runs in below 5 degree weather since August (na tinigilan ko nung nag-5k fun run ako sa trabaho nung October at na-confront ng ‘di mapagkakailang kahinaan sa fitness department despite the training), short bursts of cold exposure sa mumunting patio hanggang manginig. Bumili din ako nung SAD lamp, vitamin D supplements, at bagong batch ng running tops panlamig.

Hindi pala lamig ang kalaban ko! Kungdi ang dilim.

Noong kasagsagan ng winter, say January or so, unti-unting lumakas ang dati nang kaibigan, ala-[SPOILER ALERT]Shutter, ‘yung madilim at baliw-baliwang entity na tila nakapatong sa balikat ko. Kilala ko na siya kaya in a sense it could have been a lot, lot worse, pero hindi ko rin masabing okey lang ako habang siya ang naghahari dito. Laking pasasalamat ko sa mga buoy na kinapitan ko noon, kasama dito ang trabaho (dahil nothing gives a sense of normalcy than focusing on deadlines), mga tawag at chat with Mama at various tropa sa Pinas and elsewhere, at mga kasamahan dito mismo sa Dublin.

How bad it got: umabot ng apat na load ang kinailangang bunuin para maupdate ang laundry kahit hindi naman ako madalas magpalit ng damit at majority of the time not spent sa mga nabanggit na buoy ay nakatanga lang ako o nag-aattempt magbasa. Hindi ko sure kung matatawag kong buoy ang panonood ng Netflix at paglalaro ng Baldur’s Gate 3, dahil essentially dini-distract lang naman nila ako from the self-destructive gloom of life not having any easily graspable meaning sa gitna ng mundong walang kakulay-kulay. Pero kung ang batayan ay hindi ako nalunod noong mga panahong naglalaro at nanonood ako, I think pwede na rin silang ituring na life-saver. Whatever works works.

Ayun lang naman ang mga pangyayari, may nirecord akong video para sa Hoy, Pong promo na didn’t feel like truly me (talking head kasi) kaya salamat sa honest feedback ng aking brain trust nag-isip ako ng mas Macky way of doing things. Makikita n’yo ito maya-maya lang sa socials ng publisher ko (Avenida Books).

Hirap at asar pa rin ako maligo nang malamig pero at least napalitan ko na ‘yung battery ng fire alarm at ‘yung dalawang bumbilyang nagmamala-didisco. Minsan naiisip ko kung kaya ko ba talaga magpalaki ng aso, let alone bata.


Discover more from MACKY CRUZ

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.