May Diskarte Ka Ba? Step 3: Ang Pagsasaayos

Ito ‘yung mga nauna nang post:

  1. May Diskarte Ka Ba? (a.k.a. GTD Pinoy-Style, a.k.a Lagyan ng Sistema ‘Yan, a.k.a. Ano’ng Petsa Na, Tuliro Ka Pa Rin)

  2. May Diskarte Ka Ba? Step 1: Ang Paghahakot

  3. May Diskarte Ka Ba? Step 2: Ang Paglilinaw

Okay so ito na, sa step 2 nalinaw mo na sa sarili mo kung ano ang ibig sabihin para sa’yo ng mga bagay na naipon mo sa step 1. Ngayon panahon na para mag-imbento ka ng bagong sistema para sa sarili mo o i-refine o itama ang mga nakasanayan mo na.

Balikan natin ang kategorya ng mga alalahanin na nilikha natin sa step 2 (isina-Tagalog lang from Getting Things Done: The Art of Stress-Free Productivity):

  1. Listahan ng projects

  2. Abangers

  3. Mga Dapat Gawin

  4. References

  5. Masasamang Balak/Balang Araw

Isa-isahin natin dahil may tatlo tayong idadagdag na bago.

Mga Proyektong Malulupit

Para dun sa mga listahan ng project, kailangan mong isipin ang mga hakbang at kakailanganin mo para sa bawat proyekto. Kunwari ‘yung ‘birthday party ni junakis number 2 para sa mga co-monster n’ya sa school’, may ilang mga hakbang na kailangan mong ilista o isipin: food options, ilang monster ang kakain, details ng birthday party, etc. Ngayon nasa sa’yo na kung anong physical form mo gustong ipasok ang mga detalyeng ito.

Pero ang importante, kapag nakapili ka na ng planner, notebook or software program, ipangako mo sa sarili mo na ‘yun lang ang gagamitin mo talaga. Ito ay para mapagkatiwalaan mo ang sarili mo na wala kang namimiss.

Ang itatawag natin sa supporting materials na ito ay ‘Project plans’. So bawat isa sa listahan mo ng projects ay may at least isang pahina or espasyo sa napili mong medium.

Mga Gawaing Malulupit o Gawaing Malulupit on a Certain Date

Para naman sa Mga Dapat Gawin (or next actions), iba-iba ring klase ‘yan at ito lang ang dapat mong malaman para sa bawat isa: may specific bang oras o araw na kailangan mong gawin ito? Kung wala, iwanan mo ang dapat gawin sa listahan ng Mga Dapat Gawin. Kung meron, kumuha ka ng either isang pisikal na Kalendaryo, maliit na kalendaryo o ang calendar app sa telepono mo, para i-lagay ang m ga bagay na dapat mangyari sa specific na oras (ilagay ang oras, duh) o specific na araw (ilagay lang sa araw, wala kang choice, wag mag-imbento).

Again, once nakapili ka na ng kalendaryong pagkakatiwalaan mo, ‘yun lang ang gamitin mo. Ikaw din ang magdudusa kapag naglilista ka pala ng mga bagay sa kalendaryo mo sa work samantalang ang napili mong sistema sana ay ang kalendaryo mo sa phone. Gets? Sino’ng niloko mo bale?

Pero Macky, pa’no kung ‘yun talaga ‘yung pinaka-convenient at that time? May mga suhestyon ako (hindi galing sa libro), pero ‘di ko alam kung tama. Una, pwede mong isulat muna sa next actions mo pero dapat ang pangdiwa mo ay ‘Mark February 5 for dentist appointment’. Or, ipangako mo na every week pag nagrereview ka ng sistema mo, ay titingnan mo lahat ng posible mong nilagyan ng date. Matrabaho ‘yun at corny, which is why ang sabi ko mamili ka ng isa lang.

Naaalala mo ba ‘yung mga panahong gumagawa ka ng to-do list araw-araw sa isang planner? Tapos na ang maliligayang araw ng ugaling ito. Ito ang dahilan kung bakit wala kang natatapos na mahalaga, puro mga bagay lang na fast-approaching o urgent o may nangungulit sa’yo na gawin na. Hindi naman sobrang sama nun pero pa’no ka na? Pa’no na ‘yung mga pangarap mo talaga? Concerned lang ako sa’yo kapatid, kaya ko ito shine-share sa’yo.

3 B’s: Basurahan, Basehan, (Masasamang) Balak

Okay, so pa’no naman ‘yung mga non-actionable o hindi kaaksyun-aksyon na mga bagay? Napag-usapan na natin ito sa step 2. May tatlong kategorya ang mga bagay dito. Una, ‘yung basurahan, nasabi ko na ‘yon, kapag hindi actionable at wala ka namang pake o balak sa bagay na ‘yon, itapon mo na ‘yan. Mahalagang may katabi kang basurahan sa work area mo para hindi na napepressure na isipin paulit-ulit kung para saan ba ang isang bagay. Pangalawa, yung references, pwedeng isang accordion folder na alphabetized, pwede ring isang filing cabinet kung tipong abugado ka pala. Pangatlo, yung mga nasa masasamang balak ‘yan ‘yung mga gusto mong magawa balang-araw pero hindi pa oras. Dito ngayon masarap magpa-carried away dahil pwede mong habaan ang listahan mo ngayong nakatutok ka na dito. Dito papasok ang mga librong balak mong basahin, online courses na balak mong i-take, recipes na pwede mong gawin kapag master chef ka na, o mga lenggwahe na balak mong aralin.

Okay tama na ang pag-aliw sa sarili. Balik tayo sa trabaho. Gusto kong umupo ka muna sa isang tabi at subukang i-master itong mga kategoryang ito. Ito lang ang mga kailangan mong kategoryang malaman para maayos na mapatakbo ang buhay mo.

Minsan habang ginagawa mo ang prosesong ito, may malalaking paksa na bubungad sa utak mo, kunwari, gusto kong maayos ang financial standing ko. Kung hindi mo pa panahon para mag-isip, isapapel mo muna (see step 2). Tapos kapag panahon na, time to follow the steps. Number one, ano ba talaga ito? Hindi ko ito magagawa in two minutes, at madaming pandiwa ang kailangan para maaccomplish ito. So ilalagay ko ito sa aking projects list. Tapos pupunta ako sa project plans at iisipin ano ang mga hakbang para dito. Ngayon tignan mo ang listahan mo at kunin mo ang unang hakbang na kailangan mong gawin at isulat mo ito sa Mga Dapat Gawin. Medyo gets na ba?


Discover more from MACKY CRUZ

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.