Ito ‘yung mga nauna nang post, balikan mo muna, okay?:
Okay, so far mayroon ka nang sistema para hakutin ang mga bagay na tumatambay sa utak at mundo mo (ang inbox system mo), may Kalendaryo ka na, may magkakasamang listahan ka na ng Mga Dapat Gawin, Projects, Abangers, at Masasamang Balak, may lalagyan ka na ng Project Plans at References at may accessible ka na na Basurahan.
Sunday Funday! Pwede ring Tuesday! (etc.)
Hindi pa d’yan nagtatapos ang sistema. Para pagkatiwalaan mo ang sarili mong sistema, kailangan ay nirereview mo ang kabuuan ng sistema mo on a weekly basis. Oo, weekly. Parehong konsepto ‘yan ng paglilinis ng bahay. Kung ayaw mong umabot sa punto na pwede nang taniman ng kamote ang alikabok sa bahay mo, dapat bawat linggo naglilinis ka nang pakau-kaunti.
If not, matatabunan ka uli after one year, at kailangan nating ulitin ang ginawa natin from the beginning dahil malamang naluma na ang mga item sa project list mo.
Kapag regular mo s’yang nirereview, tataas ang kumpiyansa mo sa sarili mo na pagtutuunan mo talaga ng pansin ang mga bagay na mahalaga sa’yo sa tamang panahon. Alam mo na kapag throughout the week nakaisip ka ng bagay na kailangan mong gawin, with confidence mo itong ilalagay sa isang post-it or notepad dahil alam mo na sa dulo ng linggong iyon ay mababalikan mo ito at maikakategorya nang maayos. Kung urgent ang item, one step lang (hindi project) pero more than two minutes ang kailangan upang gawin ito, alam mo that this belongs sa Mga Dapat Gawin. Kung urgent ang item, takes more than 2 minutes pero isa pala itong proyekto, iba ang kailangan mo: intervention at disiplina. ‘Wag oo nang oo, hindi ka bayani kapag um-oo ka sa imposibleng task, ibig sabihin lang nito hindi mo gamay ang trabaho mo enough to say na hindi sapat ang oras na nakalaan.
Altogether now: ang oo nang oo, namamatay.
Ultimately ang goal ng sistemang ito na halaw sa Getting Things Done: The Art of Stress-Free Productivity ay para in the zone ka sa mga bagay na pinili mong gawin. Ang sarap pakinggan ng ‘pinili mong gawin’ ‘di ba? Kapag ginamit mo ang diskarteng ito, pustahan, in several months’ time, you’ll find more and more na pinipili mo na ang mga gagawin mo, hindi ka na biktima ng pagkakataon.
Ano ang gagawin mo sa weekly review?
Una hakutin lahat ng naisulat mo o natanggap mo sa inbox system mo sa isang lugar at isa-isahin ang mga ito para ilagay sa tamang kategorya. Tandaan na ang functional word sa paglilipat ay ang pangdiwa—‘pag walang pangdiwa, niloloko mo lang ang sarili mo.
Pangalawa, pasadahan ang mga listahan para ekis-an ang mga tapos na (pero ako usually ineekis ko pagkagawang-pagkawaga para feel na feel ang success), pasadahan ang projects list para may mailagay na bagong item sa Mga Dapat Gawin (ideally may ginagawa kang at least one thing for all your projects, otherwise, sa listahan ng Masasamang Balak dapat nakalagay ang project na ito kasi hindi pala ganoong kaimportante ito sa’yo.
Pangatlo, i-check kung may upcoming kang importanteng appointment sa kalendaryo for the week, dahil ‘yun ang mga magiging ‘given’ mo sa linggong iyon. Any other discretionary time ay dapat nakalaan sa Mga Dapat Gawin, hindi sa Facebook.
I’m sure malalaglag ka sa sistemang ito every now and then kapag kunwari nagkasakit ka o nagka-all nighter. Walang problema dyan. Ako na ang nagsasabi sa’yo: patawarin mo ang sarili mo araw-araw nang lumuwag-luwag naman ang dibdib mo. Para sa’yo rin ito. Ang mga mahahalagang bagay, pinaghihirapan talaga.
Okay, malapit na ang finish line, kinikilig ka na ba?
Discover more from MACKY CRUZ
Subscribe to get the latest posts sent to your email.