Bago ang lahat, ito ‘yung mga nauna nang post, balikan mo muna, okay?:
Yaaaaassss! Ito na ang paboritong bahagi ko ng sistemang ito: ang maglaho sa aktwal na gawain. Alam mo ‘yun? Sa Getting Things Done may pagka-zen ang metaphor nila dito: “mind like water.” ‘Yung tipong kahit anong ibato sa’yo, handa ka, alam mo kung saan ito ilulugar.
Kung malakas ang kumpiyansa mo sa sistema mo, panahon na upang tignan ang mga option mo sa mahiwagang kasalukuyan. Ano ba dapat ang ginagawa mo at 2PM on a Tuesday at the office?
Ayon sa Getting Things Done ni David Allen, tuwing may oras ka upang gawin ang mga nasa Mga Dapat Gawin, ito lang ang mga kailangan mong i-consider:
-
Nasaan ka ba ngayon? Malapit ka ba sa telepono, if so, pwede mo lampasuhin lahat ng mga dapat mong gawin under ‘Call X.’ Nasa bahay ka ba, if so, pwede mo gawin ‘yung mga nabinbin mong household mini-projects. Nasa office ka ba, if so, go, trabaho tayo teh! Ikauunlad mo ‘yan.
-
Time available—may oras ka ba para sa intense na research-fu o mga half-hour/pa-cute oo-may-ginagawa-ako tasks lang? Maging realistic, walang lokohan ng sarili.
-
Energy available—lantang gulay ka na ba o walang ka-energy energy gap?
-
Priority—pagkatiwalaan ang feelings, gaanong kaimportante na unahin mo ang gusto mong unahin? Kung ayaw mo ng feelings, isipin mo na lang, ang task ba na ito ay makakapagpalapit sa’yo sa mga adhikain mo sa buhay? If yes, GAWIN NA ‘YAN!
Medyo late ang pagbenta ko sa’yo ng sistemang ito, pero I guess hindi mo maiintindihan ang kapayapaang dala ng alam mo kung saan nakalagay o dapat ilagay ang LAHAT ng bagay sa buhay mo hangga’t ‘di ko naipapaliwanag kung paano tayo makakarating dito.
So ito na ‘yun, ang rurok ng tagumpay, ang yabang na dala kapag gusto mo ang ginagawa mo. Hindi ka na biktima ng pagkakataon, kapatid! Hindi ka na papadala sa agos ng panahon! May bangka ka na! At ikaw ang sagwan.
Teka, sinong nagsasagwan sa’yo?
Bago lumalim ang usapan, maiging mamulat ka muna sa tatlong uri ng gawain na maaaring ginagawa mo at any given moment, para malaman mo sa sarili mo kung nasa tamang landas ka:
-
Mga bagay na pinlano mong gawin (Gusto mo madalas dito! Panalo ka dito pramis!)
-
Mga bagay na sumulpot kani-kanina lang (Ayaw mo dito! Asikasuhin lang kung kailangan talaga, otherwise, dedma! O ilagay sa inbox para wala kang kagalit.)
-
Pagpaplano ng mga bagay na gagawin (mga activity na may kinalaman sa sistemang kakakwento ko lang sa’yo for the past five blog entries)
Notice na wala sa tatlo ang Facebook. Okay lang mag-Facebook, kung sa paniniwala mo ay mailalapit ka nito sa mga adhikain mo sa buhay. Otherwise, naglolokohan lang tayo.
May hardcore na framework pa si David Allen na makatutulong para malaman mo kung ano ang lugar mo sa mundo, pero para sa’kin, kung invested ka na talaga na lampasuhin ang mga issue mo sa buhay, either mafigure out mo na ito by yourself, panahon na kumunsulta sa mga tunay na eksperto, o manghiram ng librong Getting Things Done (Kindle ‘yung kopya ko, sorry).
Pero sa totoo lang, sapat na ‘tong nakwento ko sa’yo para simulan mo nang panibagong diskarte ang buhay mo. Nangahas lang talaga akong i-share sa’yo ‘to kasi so far gumagana s’ya para sa’kin. At kung magkakilala tayo sa totoong buhay, malalaman mo kung paanong naging napakalaking achievement para sa’kin nito.
Dati kasi, tumitigil ang mundo ko every other day just second-guessing kung tama ba talaga ang ginagawa ko. -Madalas din ako magpadala sa agos ng buhay, na hindi rin naman masamang bagay, pero kung inu-ulcer ka na, may kailangang magbago.
Tandaan, ang utak mo ang una at huli mong tanggulan. ‘Wag mo itong kalabanin. Gamitin mo, gaguhin mo if necessary, pero ‘wag kang magpaloko sa ilusyon na kaya mo ang lahat ng dinadala mo ngayon. Hindi ka robot, kapatid. Darating din ang panahong ‘yon, sure, pero hindi pa ngayon.
For now, diskarteng tao muna tayo.
Nakatulong ba? Kwento ka naman d’yan.
Discover more from MACKY CRUZ
Subscribe to get the latest posts sent to your email.