Kakagaling ko lang kahapon sa unang araw ng Philippine Readers and Writers Festival dahil may katropa akong nasa isa sa mga panel nung umaga, at ang dami kong opinyon.
1. Ang daming pera ng NBS, an understatement
Although nakakakilig ang venue dahil nasa Raffles Makati ang festival, at mahuhulaan mong pinaglaanan ng pera ang pagrenta ng naglalakihang ballroom at na FREE ADMISSION ito, hindi ako naging sobrang kumportable sa paligid nito kung hindi ko lang kasama ang mga kaibigan ko. Nagpupumiglas ang Inner Kanto ng middle-class psyche ko at kinukwestyon kung bagay ba talaga ako sa loob ng hotel. Pero hindi na kasalanan ng National Book Store ‘yon. Dami naman nilang pera e. At buti nga andito ako.
2. ‘Wag magpaulol sa Fake News
Anyway, bilang bagong manunulat ng speculative fiction, curious talaga ako sa mga sasabihin ng mga panelista sa “Contemporary Philippine Fiction: Tradition and Change” (regardless kung andito ang katropa o hindi) kasi sa totoo lang, bilang lumaki sa Western media through no fault of my own, hindi malawak ang kaalaman ko sa mga manunulat na Pinoy (‘wag n’yo ‘ko tularan; may internet na ngayon). Kaso ang unang-unang sinabi ng moderator ay hindi nila masyado susundin ang pangalan ng panel bilang placeholder lang talaga ito. HAHAHA fine. (Hindi mo sila masisisi, hindi bayad ang performance na ito, at ni hindi kinumpleto ng National Bookstore ang lineup ng libro ng mga mismong panelista nila, so kung sakaling gusto mong bilhin ang mga naisulat ng nasa panel dahil naastigan ka sa pagkatao nila, good luck na lang.)
Ito ang hindi fake news: kailangan mong basahin ang libro ni Anna Sanchez, How to Pacify a Distraught Infant.
3. Ang dami ko pang hindi alam tungkol sa panitikang Pilipino (Pilipino? Filipino? Ano na nga uli?)
Naastigan ako sa mga malalim mag-Tagalog sa panel pero astig din overall ang balitaktakan ng mga panelista. Ang saya makita ang malawak na spectrum ng pag-approach sa panitikan, pero hindi pa ako handa para maglunsad ng sariling parang prinsipyo tungkol dito, dahil nagsisimula palang ako. Medyo nahirapan ako intindihan kapag may dina-drop na references ang mga panelist pero ‘di naman super detrimental sa pagkakaintindi ko dito. Ilan lang sa mga tinanong sa kanila:
- What were your writing influences (where nalaman namin ang mga origin story ng bawat panelist, at malinaw na malaking factor ang kung ano ang mga unang nabasa nila, whether or not that means ‘yun ang susundan nilang istilo o lalabanan o susubukang lagpasan)
- Requirement ba o makatutulong ang maging bahagi ng writing group para umunlad ang pagsusulat mo (summarizing their responses: it depends, and it helps when it’s helpful, but ultimately, it’s not a requirement)
- Is it okay to migrate early to writing in English or stories outside the Philippines or should we stay rooted in Filipino and stories based in the Philippines? (no easy answer here, probable trick question, but the consensus is a writer must write her ‘truth,’ whatever that requires, that seems to be the only thing you need to do either successfully)
4. There is something broken in whatever model it is that relegates Filipino-authored/-published books to two shelves of “Filipiniana” in book stores, as if none of these books could also fall under other classifications.
Wala ito masyadong kinalaman sa festival per se, pero medyo napikon ako kung bakit puro Archie books ang nasa bungad na table na binebenta ng NBS, though I guess dahil may special guest silang banyaga, pero ‘di ko pa rin gets bakit mas espesyal s’ya kaysa sa madami pang ibang Pinoy na author na inimbitahan sa mga panel. Isa pa, ni hindi available ‘yung libro ng ibang panelista sa binebenta sa labas ng panel rooms. Ang weird. Ang lungkot.
(Joke lang na hindi ko alam ang sagot. Ang sagot ay nagmula sa 300 taon ng pagpapaalipin natin sa mga Espanyol, at kung ilan pang taon at mananakop na sumunod. Kung sabihin mong hindi direct ang relationship na ito, ituturo kita sa lahat ng higanteng industriyang nanggaling sa libreng dugo, pawis at pagkatao ng mga inalipin at sinakop.)
Pero masaya pa rin dahil madami-dami than usual ang hilera ng mga Pinoy books. Which brings me to my second point. So kung ganito pala kadami ang nailalabas na mga libro from Pinoy authors and publishers, bakit sa lahat ng book store na napuntahan ko sa Metro Manila ay kakaunti lang lagi ang nakikita kong Pinoy books?
At bakit ba kasi lahat ito nakaipon sa ilalim ng Filipiniana? Ibig sabihin ba kung Filipiniana hindi na pwede maging Young Adult, Science Fiction, General, Psychology, at kung anu-ano pang classification ang ginagamit para sa mga banyagang libro? Bakit natin ino-ostracize ang sarili nating gawa?
5. Hindi nakakatulong at walang katotohanan ang reklamo mong wala namang Pinoy na magaling magsulat. Hindi mo lang hinahanap nang masigasig at binabasa ang mga akda nila.
Pasensya na pero given #4, kailangan talaga natin paghirapan hanapin ang mga libro at taong ito. Kung gusto mong makasama sa kilusan, tigilan mo ang pagreklamo o panlalait sa sarili mong mga kababayan at hanapin ang mga gusto mong basahin. Magsimula tayo sa mga inimbitahan sa fiction panel, doon palang makakakita ka na ng wide na spectrum ng mga kwento na pwede mong kapaabangan. Pero mas madami ka pang makikilala kung um-attend ka nung mga panel dahil sila mismo ay excited sa mga kapwa manunulat. Gayahin natin sila.
For now, pwede mong suyurin ang mga online store na ito (in alphabetical order):
At kung may alam ka pang online store, pakidagdag sa comment, ilalagay ko dito. While napupunan somehow ng online book stores ang kakulangan, hindi ito sapat. Isipin mo na lang kung ilang beses kang walang planong bilhing libro pero dahil nagba-browse ka at naaliw sa pamagat o cover ay na-compel kang bilhin ang isang libro na mamahalin mo pala habangbuhay?
Ang isa pa naming pinuntahan na session ay ‘yung kina Sirs Butch Dalisay at Ruel de Vera, Re-Reading Philippine Classics. Natuwa ako makakita ng mga taong kinikilig pag-usapan ang mga librong kinalakihan nila (lalo na kung paano ikumpara ni Ruel ang mga ‘classic’ tulad ng Noli at Fili sa isang action-packed movie at iba pa. Nakakatuwa din makita ang dalawang manunulat na mag-express ng kanya-kanyang paborito at hindi nagustuhan, lalo na kapag hindi nagtutugma ang mga opinyon nila, dahil ibig lang sabihin nito ay walang isang tamang sagot pagdating sa pag-appreciate ng panitikang Pilipino (Filipino? Pilipino? Help.)
All in all, masaya ako na nakapunta ako sa Readers and Writers Festival dahil nabuksan ang mga mata ko sa mga katotohanang ito. Nalungkot lang ako nang bahagya na medyo late na’ko pumasok (o sumubok pumasok) sa larangan ng pagsulat, dahil ibig sabihin ay nawalan ako ng oras para busugin ang sarili ng mga kwento at libro ng mga kapwa Pinoy. Pero okay lang, hindi pa huli ang lahat.
Subalit hindi pa tapos ang kwento
Ramdam na ramdam ko ang contrast ng naramdaman ko pagkatapos ng festival (ang ligalig na YES OKAY BABASAHIN KO LAHAT NG PINOY BOOKS YES LET’S DO THIS) at ang pagpunta ko sa five-floor mega-bookstore ng FullyBooked.
“Ate, hindi ko makita saan ‘yung mga Visprint.”
“Ah, nasa second floor po.”
“Saan doon?”
“Sa dulo po sa kanan sa may elevator.”
So syempre umasa ako na isang buong block man lang ang nandoon. No. Dalawang aisle lang po ang naisipan nilang ilaan sa buong panitikang Pilipino, mapaluma o mapa-kontemporaryo.
Five floors. 20+ categories. Two shelves.
Sino’ng hindi maiiyak? Syempre kung ikaw pumupunta sa bookstore para lang magliwaliw, hindi mo na maiisip kung bakit walang Pinoy authors, ‘di ba? May tawag sa Psychology dun pero tinatamad ako hanapin.
So ano pa nga ba ang ginawa ko kundi maghakot ng libro at tumambay sa section na ‘yon para sana makiramdam sa kung sino ang mapapadpad sa liblib na section ng Filipiniana. Some dude finally came to the Filipiniana section with a FullyBooked staff looking for a Pinoy comic book. Sabi nung staff, “Eto pong kay Manix Abrera, bestseller po namin ‘to.” Medyo earnest naman yung dad dude looking for a comic book, gusto daw n’ya matuto ang anak n’yang bumasa ng Tagalog. Hindi ko lang alam kung bakit wala s’yang ka-kontrol-kontrol sa lenggwaheng binibigkas ng anak n’ya at kung bakit kailangan i-avert ang crisis by buying him a comic book. Though technically comic strip compilation ‘yung kay Manix, pero at least, ‘di ba, yehey for Visprint (publisher nga nung libro).
Anyway, ngayong bina-blog ko na ‘to ang hindi ko mapigilang isipin ay, kung bestseller pala ‘yung KikoMachine Komix, BAKIT WALA S’YA SA BESTSELLER SECTION SA IBABA? Bakit Crazy Rich Asians at new editions ng lumang science fiction books ang nakapangalandakan dito?
So bumaba ako, at doon ko lang nakita sa tabi ng escalator (na hindi mo mapapansin kung paakyat ka) ang ‘Homegrown Reads’ na section. Pero may nai-spot-an pa rin ako ditong hindi naman sulat ng Pinoy:
Kahit isa lang ‘to, napikon ako, una dahil PATI BA NAMAN DITO MASISINGITAN PA TAYO at pangalawa, kahit hindi ko pa nababasa ang libro, alam mo na na ang makapagsasabi lang ng napaka-patronizing na ‘Genius of the Poor’ ay iyong hindi tunay na naiintindihan ang sitwasyon o ang gustong gawing heart-warming ang isang sitwasyong very clearly ay bunga ng bulok na sistemang ipinamana sa’tin ng mga mananakop. I mean, I can write a whole blog entry on this pero hindi pa ngayon ang panahon. (Pero gusto ko ba talaga basahin ang opinyon ng hindi naman lumaki sa hirap talaga? At ng hindi pa tiga-dito? Sayang oras.)
P.S. Hindi ko sinasabing ‘wag na tayo magbasa ng non-Filipino books, hindi ako tanga! Pero ayoko rin naman na walang-wala tayong alam tungkol sa mga sariling gawa dito. Kung kailangan mo pang itanong kung bakit, hindi ikaw ang target audience ko, thanks.
P.S. Joke lang, ang totoong sagot ay hindi lang mukhang importante sa’yo na malaman kung saan ka galing (hindi para mamuhay sa nakaraan pero para malaman kung ano ang maibibigay mo bilang mamamayan ng kasalukuyan), pero dahil mamamatay lang naman din tayong lahat, bakit hindi na rin natin bigyan ng kahulugan ang paglapag natin dito, para tulungan ang ibang henerasyon na marating ang ‘di narating ng mga ninuno natin?
P.S. Kung ‘di pa rin gets, ito na lang: Ilang siglo nang ginagago ng mga kapitalista at mga banyaga ang mga kababayan mo, deadma ka pa rin?
P.S.2 Nakakapikon ako na wala akong makitang recording nung unang panel gayong iyon ay napaka-insightful at spontaneous and yet malamang ay ‘di mapupuntahan ng as many people dahil umaga ito on a work day. Kung may nakapag-record, ENGE NAMAN D’YAN KOPYA.
Updated August 12, 5:32 PM: added Ateneo Press and Haliya Publishing. Thanks, Diwa!
Updated August 12, 7:10 PM: added UST. Thanks, Anna!
Leave a Reply