Para sa mga katropang nasasabihang malungkot nang “walang dahilan”
I.
Paano ba kasi mawala?
Isang umaga, ang mawala na lang, nang matapos na ‘to.
Ang ‘di maipaliwanag na bigat sa dibdib. Gusto ko na’ng mamatay
Ang galit sa kamao, ang hirap pigilan. T@ng!na mo gago ka,
Pero mahal magbasag.
Tapos ikaw pa magliligpit.
Naiibsan lamang panandalian, ng aliw. Bagong bidjo. Bagong tweet.
‘Pag tumawa ka, totoo naman ‘di ba? HAHAHAHAHA OO
Nung sandaling iyon. Pero ‘yun na nga ang problema.
Ang problema.
Ang bilis mawala.
II.
Isang araw, sa ‘di maipaliwanag na pagkakataon,
(Nasa KFC ako noon at ‘di pwedeng magwala dahil mag-isa lang ako.)
Imbes na labanan ang sigaw ng utak,
(Hindi ko sinunod, kung ‘di wala na ‘ko.)
Pinagmasdan ko na lang. Pagod na ‘ko e.
Nagtitigan kami ni
PARA SA’N BA ‘TO E MAMAMATAY NAMAN TAYONG LAHAT
PARA SAN BA ‘TO E LAHAT NG KAKILALA MO MAMAMATAY DIN NAMAN
PAGKATAPOS NO’N SINO NA LANG ANG MAKAKAALALA SA’YO? E NGAYON NGA, BUHAY KA NGA, PERO WALA
SAAN AKO HUHUGOT NG SAYSAY? ‘WAG MO SABIHING SA PAG-IBIG
O SA ANAK, O SA PAMILYA, O SA TRABAHO, O SA pukinanginang
SA TINGIN MO BA WALA AKONG GINAWA PARA MAWALA ANG NARARAMDAMAN KO?
Na madalas kasama ni
GIRL, BAKIT KA NA NAMAN MALUNGKOT?
Isang balikbayan box ang self-help library ko sa bahay, dude.
I-gratitude mo mukha mo.
(Fine, salamat sa concern.)
Pero unang-una, hindi mo lang talaga ako kilala.
III.
Pinagmasdan ko.
Pagod na’ko e. Malamig. May hawak akong manok.
(Hindi buhay. Natari na’ko ng totoong manok, so no, ‘di na mauulit.)
KFC. Nasa KFC tayo.
Nagsusulat ako ng bagong kwento.
May mamang lumipat malapit sa tabi ko. Kinausap ang waiter.
Gusto ko silang sapakin. Wala lang. Ang ingay e.
Ang bigat. Sa’n galing ‘yon? Okay naman ako kanina.
Pinagmasdan ko lang.
IV.
Pinagmasdan ko lang, hanggang
Alam mo ‘yung tunog ng Space Shuttle kapag tapos na ang sagad na paunang atras?
‘Yung whoosh
Shet ano yon?
Pinagmasdan ko hanggang nakita kong may natatagong hangganan si
PARA SA’N BA ‘TO E MAMAMATAY NAMAN TAYONG LAHAT
PARA SAN BA ‘TO E LAHAT NG KAKILALA MO MAMAMATAY DIN NAMAN
PAGKATAPOS NO’N SINO NA LANG ANG MAKAKAALALA SA’YO? E NGAYON NGA, BUHAY KA NGA, PERO WALA
SAAN AKO HUHUGOT NG SAYSAY? ‘WAG MO SABIHING SA PAG-IBIG
O SA ANAK, O SA PAMILYA, O SA TRABAHO, O SA pukinanginang
Malapot ang hangganan, pero nandon. Naramdaman ko.
Para kong kinakapa ng paa muli ang sidewalk sa ilalim ng hanggang-hitang burak
Noong Ondoy.
Pinagmasdan ko lang, andyan na e.
Pinagmasdan ko nang maigi.
Pinagmasdan ko hanggang unti-unting tumutuklap si
PARA SA’N BA ‘TO E MAMAMATAY NAMAN TAYONG LAHAT
PARA SAN BA ‘TO E LAHAT NG KAKILALA MO MAMAMATAY DIN NAMAN
PAGKATAPOS NO’N SINO NA LANG ANG MAKAKAALALA SA’YO? E NGAYON NGA, BUHAY KA NGA, PERO WALA
Huy, ano’ng nangyayari?
Nagpupumiglas, o. Pulang-pula sa galit.
Pinagmasdan ko hanggang naririnig ko na ang alingawngaw nito,
Na tila may nagtanggal ng headphones sa ulo ko
Na ‘di ko alam na suot ko pala
buong araw
kahit wala namang tugtog.
Tinggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggg
V.
Andito si
PARA SA’N BA ‘TO E MAMAMATAY NAMAN TAYONG LAHAT
PARA SAN BA ‘TO E LAHAT NG KAKILALA MO MAMAMATAY DIN NAMAN
Pero ito ako.
Malapit dito, pero hindi ito.
Pinagmasdan ko hanggang kumapal nang kumapal, hanggang nakikita ko na ito, at nararamdaman, at naaamoy.
Amoy…papel, o natuklap na pintura, o dead skin cells. Libag?
Pinagmasdan ko hangga’t humiwalay ang pintig ng puso ko
Sa pintig ng puso ng kagustuhang ito.
Tug-tug. Ako
Tug-tug. Ito
Tug-tug. Tug-tug.
Tug-tug. Tug-tug.
Tug- Tug- tug.
tug.
VI.
Pinagmasdan ko hangga’t unti-unting kayanin ng utak ko
na bumiyak palayo sa
PARA SA’N BA ‘TO E MAMAMATAY NAMAN TAYONG LAHAT
hanggang bumuka uli ang itinatagong araw ng araw na ito.
Andito pa rin ang tropa, pero kita ko na sila.
Ganito na nga ata ang bagong labanan.
Ang hirap. Madalas kailangan ng tulong.
Madalas kailangan ng meds.
Ang importante, dude, magpatulong tayo.
Dahil hangga’t kaya mo,
Pramis,
Kakayanin ko rin.
Tulungan mo akong kayanin/natin.
Dahil alam na natin ang natitirang daan,
at madami na sa’tin ang hindi na nagbalik.
Hanggang sa susunod na laban. *apir*
VII.
“Ma’am, kunin ko na po ‘to?”
*kurap*
“K.”
Discover more from MACKY CRUZ
Subscribe to get the latest posts sent to your email.