So gusto ko lang markahan ang araw kung kailan na-realize ko na mahalaga pala ang pagdesisyunan agad ang framing at POV bago simulang tahakin ang pagsusulat ng isang kwento.
Kwento ko lang. So matagal ko na nililigawan ang kwentong ‘to, mga tatlong buwan na rin. At least itong version ng kwentong ito na gusto ko na talagang ituloy. Before that, kwentong Clarion week 2 pa ‘to e, hindi ko nagalaw pero nung binalikan ko nag-iba na ‘yung gusto n’yang sabihin sa’kin. Ngayon ‘di ko na alam kung parehong kwento pa ba ito pero ang alam ko kung kumbinsido pa rin ako sa mga ibang bersyon nito pwede ko pa rin ituloy ang mga nauna.
Naguluhan ka ba? Basta ang point ko, sa hindi ko mawaring kadahilanan, may dalawa akong karakter na tila ayaw bumagay sa mga sitwasyong inilalagay ko sa kanila. Pero ngayong nakapili na’ko ng baka pwede nilang galawan, hindi ko naman maisulat nang maayos.
Turns out, hindi ko lang pala kilala masyado ang kwento. Posible ba na sa bawat kwento ay may tamang punto de vista? Hindi ko na sisikaping alamin ‘yon, sa tingin ko naman ay malalaman ko din ang sagot eventually kakasubok nang mali, pero ang nangyari kasi sa’kin, so pinaghirapan kong isulat ang kwento sa close third person ng ilang linggo. Natigil lang ako ng dalawang linggo when work got in the way (heh, I love you, work), pero pagbalik na pagbalik ko kanina sa kwento, sinubukan ko randomly na kunin na lang ang point of view nung isang main character tapos taragis besh pasok sa banga! *palakpakan*
Matagal ko nang narinig ang tip na unahin ang POV o na mahalaga ito, pero well, ito na nga ‘yung sinasabi nilang minsan kailangan mo maranasan sa sarili mo ang isang bagay bago ka maniwala. Pero siguro isa ko pang gustong sabihin ay sakaling you think you made a mistake, tanggapin mo na lang ito bilang XP kung di man bilang bagong Pokemon este, you know what I mean. Kasama ‘yan sa byahe.
Anyway here’s a picture of chibi versions of Psycho-Pass characters. At oo, nanonood ako ng season 2 ngayon ‘wag kang ano. Kahit wala si Kougami. Tagal ng 2019!
P.S. Pucha ‘di ko pa pala nakukwento sa’yo ang Clarion? Okay fine, soon, besh. (‘Di pa rin bagay sa’kin mag-besh, infurr.)
Discover more from MACKY CRUZ
Subscribe to get the latest posts sent to your email.