Scenario: Alone with an Acquaintance, Elevator, “Musta?”

Ito marahil ang suma total ng pakikipag-ugnayan ko sa’yo sa Internet. Kung kakilala mo ako sa totoong buhay hindi ka na magugulat.

Scenario: 8 floors. Kasabay mong pumasok sa elevator ang one other person na kakilala mo pala pero hindi masyado. Wala pa kayo sa hampasan level of friendship. Ma-pride ka kaunti kaya hindi mo agad binati. Okay na sana pwede kang magkunwaring bulag o slow, pero maayos na tao yung nakasabay mo kaya nakipag-eye contact at nagsabi ng dreaded opener na ito: “Musta?”

Plan of attack #1: Sagutin ang tanong with “Eto.”

Pros: Short and sweet.

Cons: Anong eto? Ano ‘yung eto? Kung may ilalabo pa ang sagot mo sana sinukahan mo na lang siya para mas lalo siyang nalito sa gusto mong ipahiwatig. Pa’nong ‘eto’? Willing ka bang mag-assume ang kausap mo na ang ibig mong sabihin by ‘eto’ ay ‘eto, payatin pa rin’, o ‘eto lumalaki ang hita kakakain ng morcon,’ o ‘eto, matalino pa rin.’ Masyadong malabo, walang patutunguhan.

Act Sober Rating: 2

Plan of attack #2: Sagutin ang tanong with “Eto, kamamatay lang ng tatay ko last year. ‘Yung tita ko rin namatay 2 months before that. Hirap na hirap nga ako e parang bawat segundo ng buhay ko gusto ko na lang umiyak. Naiiyak nga ako ngayon e pero eto nakikipagkumustahan ako sa’yo. Ikaw, musta?”

Pros: Honesty is the best policy.

Cons: Masyadong intense. Yung emotional range ng kausap mo matetest nang ganun ganun na lang. I-o-on the spot mo s’ya e gusto lang naman n’ya makipagsmall talk.

Act Sober Rating: 4. Gotta admire the energy.

Plan of attack #3: Sagutin ang tanong with “Bakit?”

Pros: Sends a clear message: ayoko ng kaibigan.

Cons: Maaaring umiyak ang nagtanong.

Act Sober Rating: 1

 


Discover more from MACKY CRUZ

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.