Hindi Ko Sinasadyang Matapos ang Stranger Things Game #Humblebrag

Natapos ko ‘yung Normal mode ng Stranger Things: The Game app kahit maliit ang phone at attention span ko. Ngayon ay sinusubukan kong tapusin ang Classic mode.

From L to R: Hopper, Lucas, Nancy, Mike, Will, Dustin, 11

Maybe spoilers ahead? IDEK.

Kaya ako aliw na aliw sa app na ito ay dahil ang daming aspeto ng kwento at itsura ng Hawkins ang nakuha nila kahit na cute-ify lahat. The Eggos and the lockbox are crucial to the game. The Wheelers house has a basement. Kahit ‘yung placement ng Mirkwood at bahay ni Steve pasok na pasok.

Nagustuhan ko rin ang mga pinili nilang features ng bawat character at kung gaanong kalapit ito sa mga character sa show. For instance, si Chief Hopper (na minsan nahihirapan pa rin akong idistinguish from Elliot ng The Newsroom) ay may Power Punch. Si Lucas naman yung Wrist Rocket (tirador bale), at si Dustin ay may knapsack ng chocolate pudding.

Pero ang lagi kong nilalaro ay si Nancy mostly dahil s’ya lang ang babae before Eleven (susunduin mo pa kasi si Eleven sa dulo ng laro). At ang weapon of choice n’ya? Ano pa kung di ang baseball bat. Si Steve at Jonathan make an appearance pero hindi sila play-able.

Si Callahan, yung matangkad na officer na mukhang tanga

Madali lang for the most part ‘yung game, pero challenging din lalo na kung kailangan ng pabilisan ng pindot, kaya s’ya ang app na naging kasa-kasama ko sa sanlaksang pila na pinilahan ko ngayong buwan (another story). Kapag natapos mo ang game mapapanood mo ang secret trailer sa Hawkins Cinema. Hindi ko alam kung available online ‘yung trailer pero alam ko hindi n’ya kapareho ‘yung mga pinalalabas sa official pages ng Stranger Things.

Ito ‘ung movie house kung saan nagspray paint sina Tommy ng Slut Wheeler

Malapit na ang season 2! ‘Yan ang pinakakaabang-abang para sa’kin.

Kapag may tanong ka kung paano tapusin ang laro o hanapin ang ibang mga side quests, tanungin mo lang ako. ‘Yung isang reference ko kasi parang ‘di naman super accurate. For instance ‘yung hinahanap na science textbook ni Mr. Clarke ang sabi sa appunwrapper nasa locker daw malapit sa ham radio. Nakailang balik na’ko wala talaga don, pero nakita ko s’ya sa wakas sa isang random locker sa school, so ang lesson ay hatawin ang lahat ng madadaanang locker.

‘Pag nakuha mo na si Eleven, pwede mo na s’ya laruin kahit kapag inulit mo ‘yung game.

Sobrang useful ng teleportation powers n’ya gamit ang kiddie pools kung saan-saan kasi kapag si Mike ang gamit ko para gumalaw within Hawkins, hindi s’ya maka-attack habang nagba-bike, e minsan nagugulat ako sa mga repair men (goons ng Hawkins Lab) na bigla na lang susulpot.

Madaming bagay sa buong Hawkins ang interactive, so hatawin ang lahat ng pwede hatawin at kausapin lahat ng pwede kausapin. Hindi man lahat magagamit mo, mapapangiti ka naman. Tulad nito:

Ang masaya dito, sa hilera pala ng mga character, may isa pa after Eleven (‘yung huli mong maa-unlock) na naka-gray. Pusta ko’y may kinalaman ang season 2 dito, at na ibig sabihin magkakaroon ng bagong update pagkatapos ng season 2! Yay!


Discover more from MACKY CRUZ

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.