Walang Nagsabi Sa’king Hindi ‘Yun ‘Yung Taal Volcano Teh

Minsan ka na rin bang naloko ng mapanlinlang na land mass na ito sa bahagi ng Pilipinas na tinatawag nilang Taal Volcano na mukhang bulkan pero hindi pala? Hindi ko alam kung bakit lumaki akong inaakala all this time na ito ‘yung bulkan. Siguro dahil sa mga postcard naka-feature prominently ‘yung maliit na mala-bundok na ito.

Hindi ko naman last week lang nalaman na hindi ito mismo ang bulkan ng Taal kung ‘di ‘yung buong tipak ng lupa sa likod nito pero dalawang dekada rin ang nakaraan bago ko napagtanto ito.

So ‘yun baleng ‘maliit na lake’ ay naipong tubig sa crater ng totoong Taal Volcano. At aktibong bulkan ito kaya kung isa sa sawimpalad na hindi nangabayo paakyat (lalo na kung pareho tayo ng lung power, meaning wala), mapapansin mo na may mga bahagi ng mga batuhan na umuusok. ‘Di ka naman mapapaso dito pero palatandaan lang ito na ‘oy, sasabog din ito balang araw.

Nabanggit ko lang ang pagkakamali kong ito kasi madaming bagay sa buhay at kaalaman ko na medyo ganito rin ang kwento. In-assume ko dahil ito ang obvious na kasagutan, pero hindi pala ganitong kadali.

Ito pa iba kong kuha o:

Ito bale ‘yung bunganga nung bulkan.  

Bonus Manong on the side yo

 

Bonus bonus: Goats


Discover more from MACKY CRUZ

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.