(First posted here.)
Hindi ko maalala kung saan ko nakilala si Ramon. Pinipilit ko maalala pero parang mental palos. Papasikatin ko ang mga salitang ‘yan. Mental palos. Kahapon limang beses ko ginamit ang salitang ‘kaybangis’ and what do you know, maya-maya’y narinig ko na itong ginagamit ng mga kaklase ko. Bukas ipapauso ko ang pagsuot ng belt sa braso. Belt sa braso! Paeikis-ekis parang ahas na itim (o brown). Ako na, ako na ang trendsetter.
Focus is supreme. Well, not focus per se, but goals. Real, steady, solid goals. Only I could not, for the life of me, remember where I knew Ramon from. I resolve to leave the thinking for later. Right now there is this, a basketball being thrown directly at my face. Keebs, small man but quick, wants to rumble.
“Hoy! Ba’t wala ka kanina?”
“Pake mo.”
Keebs appears hurt, but only for a moment.
“Pake ko? Pake ko? Ako lamang po ang inyong suking tindahan.”
Right now, ito ang focus: tinatamad akong gawin yung calculations para dun sa app. Maaaring yun lang ang gagawin ko for this week pero bakit ko gagawin kung may paraan naman para iba ang gumawa? Gusto kong sampalin ang sarili ko nang narinig ko ang sarili kong sabihin iyon.
“May hindi ako ma-figure out e,” sabi ko.
Pero andun pa rin siya, ang kasiguraduhan na may paraan para si Keebs ang gumawa ng dapat kong gawin. Si Ramon, si Ramon ang nagsilid ng konseptong ito. Gusto ko siyang sisihin pero wala naman siya dito ngayon.
“Shoot.” Ini-dribble ni Keebs ang bola.
“Gusto mo bang ikaw na gumawa nung calculations para sa App of the Universe?”
Binatuhan ako ni Keebs ng malupit na evil eye. I counted three seconds. Oo ang sagot nito.
Discover more from MACKY CRUZ
Subscribe to get the latest posts sent to your email.