Yeah, Yeah, I’m Still Here

See, sinusubukan ko pa rin kasing palakasin ang loob ko na manumbalik ang sigla kong mag-blog tulad nang dati. At naisip ko na ata ang solusyon, salamat kay M. Noong isang araw, she announced that she’s planning to get off social media in 2018. That really excited me for some reason (not because she was, dahil matipid naman s’ya magpost in the first place at malupit na photog, pero dahil parang hindi lang pala ako ang nakadarama ng ganito).

Matagal ko nang nililigawan ang konsepto ng paglayas sa social media, kasi kitang-kita ko kung paano nito nilalamon ang oras at pagkatao ko (teka, biglang lalim, abort abort). So ang plano ko sana, ay mag-post lang nang mag-post (‘wag mo ko awayin kung hindi, basta ito ang nararamdaman ko ngayon) at tuwing weekend na lang mag-check ng social media feeds, o at least 30 minutes sa mga piling araw buong linggo.

Dahil ang problema ko naman ay hindi ang social media per se, pero ang relationship ko dito.

Pusta ko’y may natisod na switch ang social media sa utak ko, dahil mahilig ang utak ko sa bago at kahindik-hindik (well, welcome to the human race, in other words), may ilusyon na nabubuo na sa bawat basa ko ng post ay may natututunan ako o may napupulot na bago. Maaaring totoo, pero kung hindi nito ako nakukumbinse na gumalaw mula sa kinauupuan ko para makilahok sa mundo, ano ang tunay na halaga ng pagkakita ko nito?

Malaki rin ang inis ko nung nabasa ko ‘yung article tungkol sa some former Facebook officer saying that Facebook has destroyed the fabric of society or something (ayan nakita ko: Former Facebook executive: social media is ripping society apart). Wow. I mean, may nakakalimutan ata tayo. Ang bilis nating sisihin ang isang online platform na bukas-mata naman nating pinasok at ginamit, para sa mga characteristic na nasa sa’tin na bago pa pumasok ang Facebook sa buhay natin.

Ang paniniwala ko kasi, ang teknolohiya ay kasangkapan lamang. Unless it’s weapons of mass destruction (that have no other responsible and productive use), any bad outcome we get out of using it is still a function of us being people. Technology just tends to magnify what’s already there. Enabler sila, ng kasamaan, ng kabutihan, ng pagiging tao natin in the real world, pero madalas, times ten.

Ang nakakalimutan ata rin natin ay for every bullying story on the Internet, may kwento rin ng tagumpay. Not saying na that makes it okay, or that one outweighs the other or that they get the same points on a scale, pero na hindi mo maaaring husgahan ang kasangkapan base lamang sa kasamaang naidulot nito. LALO NA kung ang kasamaan kamong idinudulot nito ay galing sa taong gumagamit nito.

This tirade is not examining that whole other angle about the trust we’re giving to these free services in terms of their ability to curate our experience for us (remember, we pay for free services with our data), but even that is not grounds to condemn the idea of social platforms.

Ang suspetsa ko rin talaga ay kaya ako nangingimi mag-blog these days ay dahil alam ko ang itsura ng rumaragasang dami ng mga post, de kaledad man o hindi, sa buong Internet, at suntok sa buwan talaga ang posibilidad na marinig ako sa gitna ng gulo. Pero mabalik kasi tayo sa naunang rason ko kung bakit ako nagba-blog: para makipag-online high five sa ‘yo. So technically hindi ako naghahanap ng libu-libong mambabasa, kung ‘di tatlo. Mula noon at hanggang ngayon, okay na’ko sa tatlo. Hihihi.

So I guess hangga’t totoo ‘yung layuning ‘yon, hindi dapat ako magpatinag sa kinang ng social media, kung saan lahat na lang ay kay bilis at makulay. Kaya ko ring mag-video in the future, pero for now, masaya na muna ako dito.

*apir*


Discover more from MACKY CRUZ

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.